BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, October 25, 2009

i was so touched by MMK's episode last night - SULO. it was about a barrio school and its students striving for their future as an institution for education.
naalala ko tuloy ang pangarap ko noong maging teacher. naiyak ako kagabi. dun ko ulit narealize kung gaano kahalaga ang edukasyon lalo na sa panahon ngayon. ang mga walang pinag-aralan, sila ang nagdurusa. ang mga nakatuntong ng eskwelahan, sila ang tinitingala.
hangad ko ring tingalain. pero higit pa doon ang purpose ko kaya ako nagsisikap. gusto ko matupad ang mga pangarap ko. ang magkaroon ng sariling restaurant. ang maging performer. ang makatulong sa mga nangangailangan. ang makatulong sa kalikasan.
marami akong gustong gawin. sobra! kaya nagsisikap talaga ako para mangyari ang mga un.
ang pagiging teacher, it's more than just a profession. hindi sila nagtititser para sa pera. kundi sa likas na pagpapahalaga nila sa edukasyon at kabataan. kaya mahal ko ang mga naging teacher ko. kung ano ako ngayon, bahagi noon ay dahil sa kanila.
sila ang pangalawang magulang ng mga bata. at proud akong maging magulang sila. pahalagahan natin sila. wag nating sabihin na, "teacher lang yan!" hindi lang sila teacher. mga tao silang inilaan ang buhay para sa pag unlad ng kabataan. ginagawa nila ang lahat para hindi sila maligaw ng landas. natutunan ko sa school ang mga bagay na di ko nakuha sa bahay.
MA'AM... SIR... SALAMAT PO! THANK YOU SA LAHAT!

0 comments: