BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, May 12, 2010

summer time...

Syempre sisimulan ko sa pagbati sa inyo na parang nasa WOWOWEE ako!

Binabati ko ang tatay kong gwardya sa bangko; ang nanay kong nasa China ata o somewhere within that state; ang mga kapatid ko – sina Wendell at Adrian. Weng, salamat. Ikaw ang nagsabon ng binabad ko kanina at tulong din un. Dapat lang no! May briefs ka kaya dun! Di bale, ako naman nagbanlaw at nagsampay. Charot! Adrian, hinayupak ka talaga! Stop distorting your face like that! Mukha kang hindi tao. Sira-ulo ka talagang bata ka. Kapatid ko ba talaga ang mga to? Di bale na nga..

Sa mga katropa ko sa UST – H4, INTENZYC, mga friends over there at lahat ng macho papa jan na tinatanaw tanaw ko lang ( huh! Balang araw, sasambahin niyo ang nilalakaran ko! Yeaboy! ) – hello! Miss ko na kayong lahat! Hope to see you soon madlang people!
Sa lahat ng mga naging kalandian ko at magiging kalandian ko pa hanggang matapos ang summer na ito, thanks for bringing life to my oh-so-hot-and-boring days! Hugs ko kayo!


Sa lahat ng mga nakadaupang-palad ko sa facebook at chatroom sa YM, group hug!


Most of my summer days were spent reading tagalog romance novels – tatak PHR ang mga yan at syempre sinamba ko ang Stallion series at ang mga Stallion boys ko! Mainit lang ang summer pero pinaglagablab nila ang bawat araw ko! *cartwheel*

Napasarap din ang panonood ko ng Showtime tuwing tanghali habang lumalaklak ng iced tea during and after lunch. I love the show! The madlang people at ang paghirit nila ng “Sample! Sample!” sa mga hurado! I love Vice Ganda! Syempre love ur own kind diba? Wala eh, talented talaga kaming mga miyembro ng justice league unlimited! *split*

Teka, bakit nga ba ako nagsusulat ngayon? Nasa mood kasi ako magpaka-writer eh. Another precious talent of mine, of course! Nakakasawa din naman sumayaw nang sumayaw sa harap ng salamin at kausapin ang sarili no! Malapit na rin akong masiraan ng bait kaya naisipan kong magshare na lang sa inyo ng mga thoughts ko, ok? Ok..

Mabalik tayo sa mga pinakamamahal kong stallion boys na talaga namang pinaglagablab ang summer ko! Sila ang dahilan kung bakit nakukuha ko pa ring ngumiti sa kabila ng pagiging coke zero ng aking kawawang lovelife. At least, kahit self-supporting ang kilig na nararamdaman ko everytime binabasa ko ang kwento nila, kilig pa rin un at masarap sa pakiramdam! Saksi ang couch at sofa namin sa bawat hiyaw, ungol, halinghing, kahol (ginagawa ko ba un?), tawa at murang binitawan ko habang nagbabasa. Wala eh. Maharot talaga ako. Ewan ko nga ba’t virgin pa rin ako.. *seryoso un*

May nakilala nga pala ako sa chatroom, syempre secret na kung sino. Baka ipa-salvage ako nun. Hindi pa ako nagkakaanak. Sayang ang genes. Hoy ikaw, sana hindi mo mabasa to. Peace tayo ha? Hugs! Anyway, chatmates turned textmates turned friends ang drama namin. He calls me “ungas”. I call him “manong kalbong cute”. I like him. Like un ah! Utang na loob! At ayun nga, one time na magkatext kami, madaling araw din un, sabi niya gusto daw niya ako. Syempre pakiramdam ko napakakisig at napakamaalindog ko at the same time! S-um-egway pa siya sa pagkakasabi non. Akala naman niya hindi ko mahahalatang ako un! Charot! Nahiya nga siguro. First time siguro niya magkagusto sa isang superhero kaya hesitant siya. 


Nung minsang nakainom siya, nag-I love you ang ungas! Humalik pa sa text! He missed me daw! Syempre ang haba ng buhok kong alaga sa shampoo at conditioner! Natuwa ang hinayupak kong puso! Pero syempre dahil matalino ako, naisip ko rin naman na dala lang un ng kalasingan. Hindi daw siya lasing. Nakainom pa rin siya. May alcohol pa rin sa katawan mo baliw! But there’s this nagging feeling inside me na sinasabing nagsasabi ng totoo ang mga taong nakainom, lalo na ang lasing. Pero in-erase ko ang teoryang un! Mahirap na ang masaktan no..

After that, tinetext ko pa rin siya. Kaso naramdaman ko na parang iniiwasan niya ako. Kaya I said na magpapamiss muna ako just like what my bestfriend told me to do so. Habang sinusulat ko to, 3 days na akong walang load. Pero dahil may aerobics ako bukas, magloload ako mamaya. Eto ah! Magha-hi ako sa kanya mamaya. Pag hindi sumagot ang timawang un, goodbye na talaga! Sayang un. Gwapo pa naman. Magaling kumanta. Ang ganda ng katawan. Ung tipong masarap yakapin hanggang sa pagtulog. Teka, nagiging mahalay na naman ako..


Pero syempre, I don’t want to be romantically involved sa isang taong hindi sigurado sa nararamdaman niya. I have a heart to protect dude. Oo gusto ko siya. Pero habang un pa lang ang estado ng nararamdaman ko para sa kanya at umiiwas naman siya sa akin, mabuti pang tama na diba? Wala eh. Nadali ata siya ng pagiging malambing ko. Plus the charisma of course! J asset ko na nga ata to. Marami-rami na rin ang naging biktima..


Oo nga pala. Nagtapat din ako ng damdamin sa isang fighting maroon. Alam niyo na? Gets niyo na? I just sent him a message in FB. Pero tanggap ko na rin naman na wala kaming spark. Ang landi ko talaga..

Congratulations nga pala sa mga nanalo sa halalang ito! From the highest position in the government down to the local ones. Hindi man kayo ang kandidatong gusto ko, gaya ni Papa Jack, makikisama ako sa inyo. Kayo ang pinili ng madlang people. Sana lang ay gawin niyo ang lahat ng makabubuti para sa bansang ito hindi ang mga bagay na lalong magpapakapal sa mga bulsa niyo, ok? Ok. Walang matinong pulitiko. Tanggapin na natin un. Lahat sila may kanya-kanyang baho. May madilim na sikreto. Pagalingan na lang ng pagtatago. Pero anuman ang mga un, for as long as they’re going do what they are supposed to, wala namang magiging problema eh. Umiwas na lang tayo sa mga taong ugaling talangka. Hihilahin lang nila tayo pababa. Lalo tayong malulugmok hanggang sa hindi na natin kaya pang bumangon. Ayokong mangyari sa akin un. Sa iyo. Sa mga kababayan ko. Sa bansang ito. Dapat ipa-salvage ang mga tulad nila! O kaya dalhin sa Mars! Ayos diba?

Nara-writer’s block na naman ako. Matagal din siguro bago ako magkaroon uli ng mood sa pagsusulat. Kailangan ko ng inspirasyon. Kailangan ko ng lalaki.

Magcomment kayo pag nabasa niyo to ha? Gusto niyo man o hindi ang ginawa kong to. Ok? Maliwanag? Magkakakuliti ang hindi mag comment. Binasa mo na to. Lubusin mo na!


WAKAS