BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Saturday, December 31, 2011

BAGONG TAON. BAGONG PAG-ASA. BAGONG BUHAY.


Habang isinusulat ko ito ay nagwawala ang aming kapitbahay gamit ang nirentahan nilang videoke machine. I was just so annoyed kanina dahil habang nanonood ako ng HARRY POTTER AND THE GOBLET OF FIRE ay sinabayan nila ng pagwawala. Pasalamat sila may subtitle kundi… CRUCIO! Ang mga Pinoy talaga; makahawak lang ng mic, bibirit na, whenever, wherever. I closed the windows. Itong kapatid ko hindi nakatiis, kinatok yung bintana. Some girl outside said, “Uy, hinaan mo.” Buti marunong makiramdam. Sige na nga. Lusot na sa akin yun. Bagong taon naman eh.

Ooy! It’s been a year na pala. So bakit ang bilis? At talagang ito lang ang entry ko ngayon taon ah? Uh teka. May nasasagap akong enerhiya. Gusto niyang pumasok sa eksena.

Conscience: Akala ko ba gusto mong maging writer? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Bob Ong? Kung gusto mong maging writer, magsulat ka!

Ako: Sorry naman. Alam mo kung gaano nakakatamad magsulat kung wala kang inspirasyon.

Conscience: Napakatagal naman ng writer’s block mo. Isang taon? Ang hirap talaga ng walang jowa.

Ako: Pareho lang kayo ni Adrian. Hinahamak niyo ang estado ng love life ko. Magastos magkajowa.

Conscience: At sa’yo pa talaga nanggaling yan ah? Kailan ka ba gumastos sa naging jowa mo? Kung gumastos ka man, malamang dahil share kayo sa bills. Gets mo na yung “bills”?

Ako: Double meaning pa yata yun ah. Oo na. May kalungkutan kapag nakakakita ako ng magjowa lalo na’t parehong lalaki pero ang point ko naman, why settle for less when you can have the best diba? Kaya nga heto ako ngayon, single, naghihintay ng tama/matino lalaki, straight man o bi o gay guy, na magiging kuntento sa kung ano ang kaya kong ibigay sa isang relasyon. Sana kapag nagkakilala na kami, pangmatagalan na yun. Nakakasawa na kasing maiwan. Gusto ko naman ng relasyong tatagal nang mahigit sa 4 months and 22 days.

Conscience: Uh okay. Alis na ako. Nakakatae kang kausap. Ang akin lang naman eh ituloy mo ang pangarap mong maging writer. Gets mo na yun. Bye.

Gusto mo bang malaman kung ano ang nasa isip ko ngayon? Gusto kong manalo sa SOCSCI QUIZ BEE next year. I’ll be competing individually. Dala ko lang naman ang dangal ng college namin. Spell P-R-E-S-S-U-R-E. Feeling ko nasa Triwizard Tournament ako. Ang pinagkaiba nga lang, may namamatay sa Triwizard at may nag-uuwi ng eternal glory. Sa quiz bee, uuwing taas-noo ang mga nanalo at kahiya-hiya ang mga natalo. Noong part ako ng team category, we lost two years in a row. I can’t afford to lose the competition. Mas dapat akong maghanda kasi wala na akong mga teammates na magsasabing “ito ang tamang sagot.” I’m on my own now. I have to bring pride and honor to my college para naman maalala nila ako. Legacy it is.

After watching several documentaries and seeing advertisements about HIV/AIDS awareness campaign, I came to a realization na kailangan kong magpa-test. Yes, I’ve been sexually active this year. Some are safe, some are not. I have to be sure that I will still live longer. Sabi nga ng isang AIDS positive patient, mas mabuti nang mabuhay na alam mong infected ka kaysa mabuhay nang walang kasiguraduhan. One of my New Year’s resolution ay no more sexdates before and after I take the test. I have high hopes na negative ako. SANA NEGATIVE AKO. Alam kong naging careless ako sa ilan sa mga naka-sex ko pero sana walang infected sa kanila. Hindi ako confident dahil baka ma-disappoint ako kapag lumabas ang resulta ng test. I will use that benefit of the doubt para maging maingat and to completely abstain from doing it with guys I meet from the Internet. Tama nga sila. Why engage yourself to casual sex when you got those hands? Sometime between May and June, magpapatest ako.

Patindi nang patindi ang mga courses namin sa HRM which I think is good para madikdik yung estudyante. Mas mabuti na yun kaysa naman magpa-graduate ng mga estudyanteng incompetent. There’s Beverage Management na talaga namang walang lab day na hindi ako nakakatikim ng alcohol. Last sem, we had Financial Accounting. Siya pa rin ang professor namin ngayon sa Managerial Accounting. Truth be told, hindi ako natutuwa sa kanya. She may be lenient but not competent enough. Pakiramdam ko nasasayang ang bawat sentimong ibinabayad ko sa tuition fee dahil sa mga tulad niya. Despite which, masaya ako dahil karamihan naman sa mga prof namin ay competent at natututo naman kami sa kanila. Just so you know, I can now speak French; just the basics. :)

Kung may isang tragic na nangyari ngayong taon na ito, iyon yung pananalasa ng Bagyong Sendong sa mga kababayan natin sa Iligan at Cagayan de Oro City. Nakakalungkot lang kasi magpa-Pasko noon tapos ganoon yung nangyari. Mabuti na lang at likas na matulungin tayong mga Pilipino. Umaasa ako na mapupuno ng pag-asa ang mga puso nila sa pamamagitan na rin ng tulong na ipinaaabot natin at sa prayers na rin. I just hope na makikinig na ang mga LGUs sa mga eksperto. Kapag sinabing mapanganib na tirhan ang lugar na iyon at kailangan ng relocation, makinig na sana sila para di na maulit ang ganitong trahedya.

Sa kabila ng lahat ng ito, mas marami pa rin ang dahilan para magsaya tayong mga Pilipino. Kinilala lang naman ang gandang Pilipina sa mga international beauty pageants gaya ng Miss Universe (Shamcey Supsup), Miss World (Gwendolyn Ruais), Miss International (Dianne Necio), at Miss Earth (Athena Imperial). Congratulations to these lovely ladies! Winner din tayo sa larangan ng sports lalo na boxing. Thanks to the People’s Champ Manny Pacquiao, Brian “Hawaiian Punch” Villoria at Nonito “The Flash” Donaire. Patuloy ang pagkilala sa talento at lahing Pinoy sa international scene gaya nina Maria Aragon, Bruno Mars, at ang kakahirang pa lamang na 2011 CNN Hero of the Year na si Robin Lim ng Indonesia na may dugong Pinoy rin.

Sabi nila, magugunaw na raw ang mundo sa 2012. Hindi ako naniniwala doon. Masyado tayong mahal ng Diyos para gunawin niya ang mundo. Sana lang itigil na ng mga mapagsamantala ang pang-aabuso sa kalikasan at karapatang-pantao. Iisa lang ang mundo at buhay natin. Bakit ba napakahirap para sa ilan na punuin ng pag-ibig ang mga puso nila? Yung iba nga, sa kabila ng mabigat na pinagdaanan, nakukuha pa ring ngumiti, sumaya, at magmahal. Sana ganun tayong lahat; resilient at hopeful sa kabila ng mga masasamang pangyayari sa buhay natin.

So I guess this is it. Wala na akong masabi eh. MERRY CHRISTMAS (I know, late na) at HAPPY NEW YEAR! Let us all change for the better. Leave excess baggage in life. Move on. Soar high. Reach your goals. Nagmamadali na ako. Susugod na ako na mesa eh. Titira ng Tanduay Ice para masanay sa inuman. Kampay!

Friday, December 31, 2010

THANK YOU 2010! HELLO 2011!

ang huling blog entry/note to be published ko ngayong taong ito...
parang kelan lang gumawa ako nito...
anyway, simulan na to nang makarami...
parang baby lang... hahaha! yuck. ang manyak ko. :))

sa family ko...
thank you dahil sa kabila ng pagiging DIYOSA ko, ipinaramdam niyo sa akin na hindi ako iba...
na tao rin ako na may atay at balun-balunan...
sa manok pala un... :D
na parte ako ng pamilyang ito at sobrang mahal niyo ko...
di man tayo vocal sa mga nararamdaman natin...
di man tayo madalas magkasundo...
di man tayo madalas nag-uusap...
di man uso sa atin ang family day...
alam ko at nararamdaman ko ung love na hindi ko makikita sa kahit sinong tao...

ma... pa... thank you sa unconditional love...
sa bawat sakripisyo...
sa pasensya...
sa lahat...
i love you both...

weng... adrian...
kahit sira ulo tayong tatlo at lahat tayo ay tagilid ang utak in our very own unique way...
mahal ko kayong dalawa...
love,
darna...

sa mga highschool friends ko...
salamat sa pag-imbita sa mga debut niyo...
pasensya na kung hindi ko man napuntahan ung iba...
naubusan kasi ng damit eh. hahaha!
sa mga napuntahan ko naman...
salamat sa precious moments...
maka precious naman... :D
saka sa pagkain...
on behalf of my mga alaga sa tiyan...
maraming salamat...

sa mga college friends...
rich, eka, yvie, maan, dea... sa lahat!
thank you so much dahil naging bahagi kayo ng malandi kong taon!
sa bawat debut, sa bawat shooting para sa AVP, sa bawat kain session...
sa lahat ng oras na kasama ko kayo...
thank you nang marami!
2 years pa...
kaya natin yan!
gagraduate tayong lahat!
nang sabay-sbay... :D

sa intenzyc family ko...
salamat nang marami sa lahat ng bagay...
may mga natutunan din naman ako sa inyo...
natutunan kong higitan ang mga bagay na kaya kong gawin...
na bawal sa isang dancer ang mga salitang, "hindi ko kaya"...
na beyond those dance steps is the passion that binds us together...
our passion for dancing...
galingan nyo sa cheermania ah!
one more step towards championship na to!
go! go! go! :D

sa mga nakasamaan ko ng loob ngayon taon na to...
may highschool at college pips...
im sorry...
im really, really sorry para sa mga bagay na nakasama ng loob niyo...
don't worry...
new year's resolution ko na ang habaan ang pasensya ko...
be more sensitive at compassionate enough sa mga nararamdaman ng ibang tao...
and learn to be forgiving towards world peace...
beauty queen ka teh? hahaha! :D

sa mga bagong kaibigan na nakilala ko sa mga debut, sa mga common friend, sa pagiging makapal ng mukha natin...
salamat kasi dumagdag kayo sa listahan ng mga taong nagpapasaya sa akin each instance we meet...
im looking forward to another year of friendship with you people... :)

oh eto na...
para sayo to...
ikaw na 2nd heartbreak ko sa dinami-rami ng lalaking dumaan sa buhay ko...
im going to say thank you, im sorry, and goodbye...
though ginawa ko na to...
i still wanna do it...
thank you sa bawat araw na ipinaramdam mo sa akin na mahal mo ko
sa kabila ng mga bagay na naging hadlang sa ating dalawa...
sa bawat hug at kiss, sa lambingan, asaran, at LQ...
im sorry kung pinili kong pakawalan ka na...
i had made a decision that same instance you told me na baka hindi na tayo magkita...
coz ur family is planning to migrate at tuluyan ka na nilang ilalayo sa akin...
i just realized na ito na talaga...
isang hindi masayang ending para sa ating dalawa...
inaamin ko na hanggang nung dec 26, umiiyak pa rin ako dahil isa akong dakilang bigo...
pero ngayong matatapos na ang taon at ilang oras na nga lang...
i wanna say good bye to an old love...
para makalimutan ko na ang sakit...
para kapag magaling na ang mga sugat...
pwede na akong magmahal ulit...
take care of yourself palagi...
wag kang gagawa ng mga desisyong pagsisisihan mo...
i pray for your happiness...
goodbye...
at in fairness, pinakamahaba ang para sayo sa entry kong ito... :)

sa aking kawawang lovelife...
wag kang mag alala...
darating din ang knight in shining armor mo...
ung willing kang ipagtanggol sa lahat ng oras...
ung magtatama ng mga mali sa buhay mo...
popoy? ikaw ba yan? :))
ung kaya kang iharap sa mga magulang niya at sasabihing...
"mahal ko siya. at gagawin ko ang lahat makasama ko lang siya for the longest time possible..."
ang taray diba? ganyan talaga kapag nabibigo... :P

sa aking naliligaw na knight in shining armor...
aantayin kita ah...
kung nasaang lupalop ka man ng mundo...
i'll wait for you...
at kapag nagkita tayo...
wala nang atrasan ah... :D

sa mga darating na lalake sa aking buhay...
taray! para talagang meron. hahaha!
malay mo naman...
wag ka ngang makialam...
kausapin daw ba ang sarili?! :))
isa isa lang ah...
kahit multiple choice ang isang tanong, mahirap pumili ng best answer...
kaya hinay hinay lang tayo mga pre...
yuck. pre. hahaha! :))

salamat din po Papa God kasi dean's lister pa rin ako till now...
mag aaral akong mabuti para hindi masayang tong talino na binigay niyo sa akin...
everything i have is a blessing and gift from You...
at araw araw kong ipagpapasalamat un...

sa bansang aking sinilangan...
sa kabila ng mga kapintasan ng iyong lipunan...
lagi mo pa ring ipinapaalala sa akin na dapat maging proud ako na Pilipino ako...
proud ako... sobra! at sana sa bawat mabuting bagay na nagagawa ko para sayo...
maging tulong nawa ang mga yun para sa pagbabago...
matagal... pero kakayanin nating lahat!
para saan pa at naging resilient tayong mga Pilipino...
marami na tayong pinagdaanan...
marami pang susunod...
pero malalampasan natin ang lahat ng yun! :)

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!
GOODBYE 2010!
BAUNIN ANG MGA MASASAYANG ALAALA!
IWANAN ANG LAHAT NG NEGATIBO!
HELLO 2011!
BAGONG TAON.
BAGONG SIMULA.
TUNGO SA PAGBABAGO.
MABUTING PAGBABAGO.

PARTEY PARTEY! :D

Thursday, December 30, 2010

Even Now (Nina) - the pain of moving on

Sunday, October 31, 2010

25 Things You Probably Don't Know About Me But If You Do Then That's Perfectly Okay

1. laking public school ako from kinder to high school at hindi ko ikinakahiya yun. siguro kung nag-private school ako, hindi ako ang bryan na kilala niyo ngayon. :p



2. noong grade 2 ako, may arinola sa classroom namin kung saan umiihi ang mga estudyante para di na nila kailangan pang lumabas. that day, ako ang nakatokang magtapon after recess. nadulas ako sa corridor dahil bagong wax ang sahig namin. at oo, naligo ako sa ihi ng mga kaklase ko. dyahe talaga! :))



3. noong elementary ako, dream ko maging scientist. hanggang sa nagkakaisip ako, nagbago-bago un into teacher, lawyer, photographer, at marami pang iba. pangarap ko din maging WICCAN (good witch). i wanna learn spell casting, paggawa ng potions at concoctions, at maging extraordinary. ung tipong may superpowers.pero ngayon, ang dream ko talaga, maging akin ka. harooooot!!! :))



4. i had 7 boyfriends, hindi pa kasama dun ang nakalandian ko. hahaha! pero sa 7 un, sa dalawang lalake lang ako na-heartbroken. at wag ka! sa magkasunod na taon pa ako nabigo. :)) kung mahirap maghanap ng partner, mas mahirap maghanap ng true love. :p



5. when i was in first year high school, nagkaroon ako ng ka-MU na girl. hs friends, kilala niyo to. :p pero di ko siya niligawan kasi una, hindi ako marunong. pangalawa, hindi talaga ako lalake. :)) ang sama ko. ginawa ko siyang cover girl. :p



6. tinanong ako noon ng childhood playmate ko kung bakla ba raw ako. sabi ko sa kanya, "one fourth. ay hindi! three-fourths pala." :)) sarap diba?



7. noong third year high school naman ako, kay Danizza Monique Fortuna ako nagreveal ng tunay kong pagkatao. nasa tryke kami nun pauwi galing praktis. napag-uusapan na namin un talaga kaso humingi kami ng sign na kapag may nakita kaming baklang nakasuot ng green na kahit ano, un na! for her, un ang sign na bakla ako. for me naman, un ang sign para umamin ako. :p positive!



8. una akong nakatikim ng kiss galing sa ibang tao nung grade 3 ako. sa cheek. ang salarin. classmate kong heartthrob. nangyari un nung HEKASI period namin (kaya siguro fave ko ang subject na to. hahaha!). tinanong niya ako kung ano yung pinapasulat ng teacher namin. tinuro ko naman. tapos tinanong din niya kung may extra ballpen ako, sabi ko wala. tapos hinalikan niya ako sa right cheek sabay thank you! natulala ako. ngayon ako nanghihinayang na bakit sa cheek lang. sana diretso na lang sa lips para winner. :))



9. frustration ko ang pagkanta. i wanna be a singer u know. kaso dancing ang binigay Niyang talent sa akin kaya wala na akong magagawa dun. kaya eto, hanggang jamming at shower lang ang boses ko. :p



10. as a dancer, marami akong insecurities lalo na pag mas magaling sa akin sumayaw. kaya pinagbubutihan ko talaga para matuto ako and to become a better performer on stage. :D



11. ang dream date ko ay sa ilalim ng mga stars habang kumakain ng ice cream . fave ko ang cookies and cream flavor. mas masarap sa pakiramdam kung ang kasama ko sa date na yun ay ung taong mahal na mahal ko. :p



12. hindi pa ako nakakasakay ng eroplano. hindi pa ako nakakapunta ng luneta o EK. pag yumaman ako, higit pa jan ang mararating ko. :)



13. gusto ko rin maging model. ung rarampa on stage tapos people are screaming my name. naks! ung sisigaw ng, "Bumaba ka jan!" hahaha!



14. nag all out pala ako nung high school ako. hindi ko nga namalayan na unti unti ko na palang ipinapakilala ang tunay na ako sa mga tao. parang kusa na lang nagpumiglas palabas. :)) at un na nga! nakilala na ng mundo ang maharot at malanding parte ng pagkatao ko. :))



15. takot ako sa ahas. sobra. iniiwasan ko naman ung mga manok na buhay kasi i had scabies before coz of them. BV talaga un!



16. mataba ako nung bata ako. kung mataba man ang tingin niyo sa akin ngayon, mas mataba ako noon. pumayat lang ako coz of dancing.  o ha! winner!



17. mahilig ako magbasa ng mga tagalog pocketbooks lalo na kapag single ako. un kasi ang hobby ko, ang makikilig at makisawsaw sa love story ng ibang tao. nahihinto lang un kapag may sarili akong love life. :p



18. kapag confident ako sa mga ginagawa ko, gusto ko ako ang center of attention. i love the feeling of being recognized sa mga achievements ko. pagdating sa acads, i wanna be on top kaya nakikipagkumpetensya talaga ako. pag nagpeperform on stage, ayoko sa likod. mas gusto ko sa gitna at nakikita ng mga tao. ang epal ko no? :))



19. ayaw na ayaw ko talaga ng kinukunan ng pictures kapag tulog ako. hahaha! although kasalanan ko kung bakit ako puyat at nakatulog sa klase, aawayin kita kapag nalaman kong u took a picture of me while taking a power nap. :))



20. kapag pera pera ang labanan, magaling ako sa math. maliban kapag accounting na. :))



21. i could be the sweetest, the most malambing, the most thoughtful, and the most understanding guy lalo na kapag in a relationship ako.  masarap ako maging boyfriend you know. wanna try? :p



22. simple lang ang buhay namin pero ipinangako ko sa sarili ko na magpapayaman ako para mabili ko lahat ng gusto ko. materialistic ang dating diba? :))



23. mababaw ang luha at kaligayahan ko. madali akong paiyakin ng kwento, ng pelikula, ng kanta. mapapatawa mo ako sa mga winner na jokes, banat, at panalong hirit. :D



24. frustrated writer din ako. nagsusulat ako kapag trip ko. dinadaan ko dito o sa blog ko. i hate serious writing. gusto ko ung magaan lang. ung witty at sensible. :)



25. madali akong malasing kaya hindi talaga ako pwede sa inuman. baka marape ako. hahaha!



at jan po nagtatapos ang ilan sa mga bagay na baka sakaling hindi niyo pa alam tungkol sa akin. may mga itinatago pa ako pero wala akong balak ishare un dito. neknek niyo. :)) feel free to give ur comments. un talaga ang gusto ko. :p

Wednesday, October 13, 2010

para sa MAHAL KO...



i miss you so much... :'(


torture sa akin ang bawat araw na lumilipas at hindi ko alam ang nangyayari sa iyo...

rendell: uy. nalaman ko ung nangyari sa inyo.

ako: (emo na.kanina pa.) ok lang. di pa naman kami break.

rendell: papunta na rin kayo dun. kaya wag ka na umasa. masasaktan ka lang.

- at hindi na ako nakapagsalita. pakiramdam ko hinampas niya ako ng isang milyong fish bones sa mukha. ouch. humikbi ako. then i started crying na mala-ONE MORE CHANCE...

usapan namin yan kanina...

alam mo umiyak ako...

sabi ko sa sarili ko nung saturday night hindi na ako iiyak simula bukas (sunday)

kasi gusto kong ipakita na kaya kong maging malakas para sa ating dalawa...

sabi niya wag na daw ako umasa...

pero sabi ng puso ko... wag akong sumuko...

sabi ng bespren ko...

It's gonna be okay. If it doesn't turn out to be the "love story" you though it would be, then don't settle...It's useless to fight for someone who finds it easy to drop you each instance they can...

sabi ko naman...

i know it's gonna be okay...ito talaga ang love story na inaasahan ko... magulo.. kumplikado... masaya... malungkot... parang halu halo...sa ngayon, alam kong tama na lumalaban ako... at nananatiling nakakapit...

alam mong mahal na mahal na mahal kita...

dapat sa panahong to... bumitaw na ako... kasi mukhang imposible na...

pero alam mo... sabi ng kaibigan ko...

kung mahal ka niya... gagawa siya ng paraan para makausap ka...

na magiging okay ang lahat...

at dahil daw pinagdadaanan natin to... may happy ending daw tayo...

naniniwala ako sa happy ending...

lalo na kung ikaw ang makakasama ko...

marami tayong pangarap di ba?

sabay nating tutuparin un...

ayaw ko nang maulit ung nangyari noon na nagkahiwalay kami ng taong mahal ko nang dahil sa magulang...

that was my first heartbreak...

it took me half a year to recover...

ang saklap kaya...

pang MMK...

kwentong bakla talaga...

bakit ba kasi hindi pwede?

nakakainis naman eh...

but this time...

kung may magagawa ako para maipaglaban ka...

gagawin ko...

kasi ayokong mawala ka sa akin...

hindi ko ma-imagine na gigising ako sa umaga, looking at my fone tapos wala na doon ang pangalan mo...

kahit one percent na lang ng pag-asa ang natitira para sa atin...

kakapit pa rin ako doon...

i want you to stay with me...

gusto na ulit kitang makita...

ang mga mata mo...

ung mga ngiti mo...

wala akong pakialam kahit di mo kasing macho si papa sam...

kahit mas matangkad ako sayo...

i love everything about you...

ur stories...

insecurities...

ur voice...

all of you...

hindi ako titigil sa kakaasa na baka isang beses...

kahit isang beses lang...

magtext ka...

im damn worried about you....

iniisip ko kung kumain ka na ba...

kung nakakapagpahinga ka ba nang maayos...

kung naiisip mo pa rin ba ako...

ikaw lang ang UNGAS ko...

ang KUMAG ko...

ang BABY ko...

ang MAHAL ko...

sana dumating ung time na pwede ko nang ipakilala sa mundo ung lalaking nagpapatibok ng puso ko...

ung kayang magpakilig sa akin makita ko lang ang picture niya...

mabanggit o maisingit ka lang sa usapan...

siguro ung iba hindi nila ako naiintindihan...

pero wala akong pakialam...

gusto kong malaman mo...

NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA...

HINDI KO KAYANG ISIPIN NA MATATAPOS SA GANITO ANG LAHAT...

3 MONTHS DIN UN...

DUMAAN DIN TAYO SA MGA AWAY...

BATI...

LAMBINGAN...

ASARAN...

NAMIMISS KO NA LAHAT UN...

NAMIMISS NA KITA...

KULANG ANG ARAW KO KAPAG HINDI KITA NAKAKAUSAP...

IKAW KASI ANG KUMUKUMPLETO SA ARAW KO...

TANDAAN MO TO...

AASA PA RIN AKO...

HINDI AKO TITIGIL SA PAG-AANTAY...

TITIISIN KO LAHAT NG EMOTIONAL TORTURE NA TO...

MAKASAMA LANG KITA ULIT...

I MISS HUGGING AND KISSING YOU...

THAT NIGHT WHEN TEARS ROLLED DOWN UR CHEEKS DAHIL PINAPAUWI KA NA...

SABI KO SA SARILI KO...

HINDI KA NA ULIT IIYAK KAPAG KASAMA MO AKO...

PROMISE YAN...

JUST BE WITH ME...

FOR THE LONGEST TIME POSSIBLE...

I MISS YOU SO MUCH...

TEKA...

NAIIYAK NA AKO...

SANA MABASA MO TO...

MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA UNGAS...

WITH ALL MY HEART...

GUSTO KITANG MAKASAMA NANG MATAGAL...

KUNG OK LANG SAYO...

SANA IBALATO KA NA NI LORD SA AKIN...

IKAW ANG GUSTO KONG XMAS GIFT...

MAHAL KO...

MAGIGING OKAY DIN ANG LAHAT...

JUST BE STRONG...

MALALAMPASAN DIN NATIN TO...

I LOVE YOU SO MUCH... :'(