Habang isinusulat ko ito ay
nagwawala ang aming kapitbahay gamit ang nirentahan nilang videoke machine. I
was just so annoyed kanina dahil habang nanonood ako ng HARRY POTTER AND THE
GOBLET OF FIRE ay sinabayan nila ng pagwawala. Pasalamat sila may subtitle
kundi… CRUCIO! Ang mga Pinoy talaga; makahawak lang ng mic, bibirit na,
whenever, wherever. I closed the windows. Itong kapatid ko hindi nakatiis,
kinatok yung bintana. Some girl outside said, “Uy, hinaan mo.” Buti marunong
makiramdam. Sige na nga. Lusot na sa akin yun. Bagong taon naman eh.
Ooy! It’s been a year na pala. So
bakit ang bilis? At talagang ito lang ang entry ko ngayon taon ah? Uh teka. May
nasasagap akong enerhiya. Gusto niyang pumasok sa eksena.
Conscience: Akala ko ba gusto
mong maging writer? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Bob Ong? Kung gusto mong
maging writer, magsulat ka!
Ako: Sorry naman. Alam mo kung
gaano nakakatamad magsulat kung wala kang inspirasyon.
Conscience: Napakatagal naman ng
writer’s block mo. Isang taon? Ang hirap talaga ng walang jowa.
Ako: Pareho lang kayo ni Adrian.
Hinahamak niyo ang estado ng love life ko. Magastos magkajowa.
Conscience: At sa’yo pa talaga
nanggaling yan ah? Kailan ka ba gumastos sa naging jowa mo? Kung gumastos ka
man, malamang dahil share kayo sa bills. Gets mo na yung “bills”?
Ako: Double meaning pa yata yun
ah. Oo na. May kalungkutan kapag nakakakita ako ng magjowa lalo na’t parehong
lalaki pero ang point ko naman, why settle for less when you can have the best
diba? Kaya nga heto ako ngayon, single, naghihintay ng tama/matino lalaki,
straight man o bi o gay guy, na magiging kuntento sa kung ano ang kaya kong
ibigay sa isang relasyon. Sana kapag nagkakilala na kami, pangmatagalan na yun.
Nakakasawa na kasing maiwan. Gusto ko naman ng relasyong tatagal nang mahigit
sa 4 months and 22 days.
Conscience: Uh okay. Alis na ako.
Nakakatae kang kausap. Ang akin lang naman eh ituloy mo ang pangarap mong
maging writer. Gets mo na yun. Bye.
Gusto mo bang malaman kung ano
ang nasa isip ko ngayon? Gusto kong manalo sa SOCSCI QUIZ BEE next year. I’ll
be competing individually. Dala ko lang naman ang dangal ng college namin.
Spell P-R-E-S-S-U-R-E. Feeling ko nasa Triwizard Tournament ako. Ang pinagkaiba
nga lang, may namamatay sa Triwizard at may nag-uuwi ng eternal glory. Sa quiz
bee, uuwing taas-noo ang mga nanalo at kahiya-hiya ang mga natalo. Noong part
ako ng team category, we lost two years in a row. I can’t afford to lose the
competition. Mas dapat akong maghanda kasi wala na akong mga teammates na
magsasabing “ito ang tamang sagot.” I’m on my own now. I have to bring pride
and honor to my college para naman maalala nila ako. Legacy it is.
After watching several
documentaries and seeing advertisements about HIV/AIDS awareness campaign, I came
to a realization na kailangan kong magpa-test. Yes, I’ve been sexually active
this year. Some are safe, some are not. I have to be sure that I will still
live longer. Sabi nga ng isang AIDS positive patient, mas mabuti nang mabuhay
na alam mong infected ka kaysa mabuhay nang walang kasiguraduhan. One of my New
Year’s resolution ay no more sexdates before and after I take the test. I have
high hopes na negative ako. SANA NEGATIVE AKO. Alam kong naging careless ako sa
ilan sa mga naka-sex ko pero sana walang infected sa kanila. Hindi ako
confident dahil baka ma-disappoint ako kapag lumabas ang resulta ng test. I will
use that benefit of the doubt para maging maingat and to completely abstain
from doing it with guys I meet from the Internet. Tama nga sila. Why engage
yourself to casual sex when you got those hands? Sometime between May and June,
magpapatest ako.
Patindi nang patindi ang mga
courses namin sa HRM which I think is good para madikdik yung estudyante. Mas
mabuti na yun kaysa naman magpa-graduate ng mga estudyanteng incompetent. There’s
Beverage Management na talaga namang walang lab day na hindi ako nakakatikim ng
alcohol. Last sem, we had Financial Accounting. Siya pa rin ang professor namin
ngayon sa Managerial Accounting. Truth be told, hindi ako natutuwa sa kanya.
She may be lenient but not competent enough. Pakiramdam ko nasasayang ang bawat
sentimong ibinabayad ko sa tuition fee dahil sa mga tulad niya. Despite which, masaya
ako dahil karamihan naman sa mga prof namin ay competent at natututo naman kami
sa kanila. Just so you know, I can now speak French; just the basics. :)
Kung may isang tragic na nangyari
ngayong taon na ito, iyon yung pananalasa ng Bagyong Sendong sa mga kababayan
natin sa Iligan at Cagayan de Oro City. Nakakalungkot lang kasi magpa-Pasko
noon tapos ganoon yung nangyari. Mabuti na lang at likas na matulungin tayong
mga Pilipino. Umaasa ako na mapupuno ng pag-asa ang mga puso nila sa
pamamagitan na rin ng tulong na ipinaaabot natin at sa prayers na rin. I just
hope na makikinig na ang mga LGUs sa mga eksperto. Kapag sinabing mapanganib na
tirhan ang lugar na iyon at kailangan ng relocation, makinig na sana sila para
di na maulit ang ganitong trahedya.
Sa kabila ng lahat ng ito, mas
marami pa rin ang dahilan para magsaya tayong mga Pilipino. Kinilala lang naman
ang gandang Pilipina sa mga international beauty pageants gaya ng Miss Universe
(Shamcey Supsup), Miss World (Gwendolyn Ruais), Miss International (Dianne
Necio), at Miss Earth (Athena Imperial). Congratulations to these lovely
ladies! Winner din tayo sa larangan ng sports lalo na boxing. Thanks to the People’s
Champ Manny Pacquiao, Brian “Hawaiian Punch” Villoria at Nonito “The Flash”
Donaire. Patuloy ang pagkilala sa talento at lahing Pinoy sa international
scene gaya nina Maria Aragon, Bruno Mars, at ang kakahirang pa lamang na 2011
CNN Hero of the Year na si Robin Lim ng Indonesia na may dugong Pinoy rin.
Sabi nila, magugunaw na raw ang
mundo sa 2012. Hindi ako naniniwala doon. Masyado tayong mahal ng Diyos para
gunawin niya ang mundo. Sana lang itigil na ng mga mapagsamantala ang
pang-aabuso sa kalikasan at karapatang-pantao. Iisa lang ang mundo at buhay
natin. Bakit ba napakahirap para sa ilan na punuin ng pag-ibig ang mga puso
nila? Yung iba nga, sa kabila ng mabigat na pinagdaanan, nakukuha pa ring
ngumiti, sumaya, at magmahal. Sana ganun tayong lahat; resilient at hopeful sa
kabila ng mga masasamang pangyayari sa buhay natin.
So I guess this is it. Wala na akong
masabi eh. MERRY CHRISTMAS (I know, late na) at HAPPY NEW YEAR! Let us all
change for the better. Leave excess baggage in life. Move on. Soar high. Reach
your goals. Nagmamadali na ako. Susugod na ako na mesa eh. Titira ng Tanduay
Ice para masanay sa inuman. Kampay!