BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Saturday, December 31, 2011

BAGONG TAON. BAGONG PAG-ASA. BAGONG BUHAY.


Habang isinusulat ko ito ay nagwawala ang aming kapitbahay gamit ang nirentahan nilang videoke machine. I was just so annoyed kanina dahil habang nanonood ako ng HARRY POTTER AND THE GOBLET OF FIRE ay sinabayan nila ng pagwawala. Pasalamat sila may subtitle kundi… CRUCIO! Ang mga Pinoy talaga; makahawak lang ng mic, bibirit na, whenever, wherever. I closed the windows. Itong kapatid ko hindi nakatiis, kinatok yung bintana. Some girl outside said, “Uy, hinaan mo.” Buti marunong makiramdam. Sige na nga. Lusot na sa akin yun. Bagong taon naman eh.

Ooy! It’s been a year na pala. So bakit ang bilis? At talagang ito lang ang entry ko ngayon taon ah? Uh teka. May nasasagap akong enerhiya. Gusto niyang pumasok sa eksena.

Conscience: Akala ko ba gusto mong maging writer? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Bob Ong? Kung gusto mong maging writer, magsulat ka!

Ako: Sorry naman. Alam mo kung gaano nakakatamad magsulat kung wala kang inspirasyon.

Conscience: Napakatagal naman ng writer’s block mo. Isang taon? Ang hirap talaga ng walang jowa.

Ako: Pareho lang kayo ni Adrian. Hinahamak niyo ang estado ng love life ko. Magastos magkajowa.

Conscience: At sa’yo pa talaga nanggaling yan ah? Kailan ka ba gumastos sa naging jowa mo? Kung gumastos ka man, malamang dahil share kayo sa bills. Gets mo na yung “bills”?

Ako: Double meaning pa yata yun ah. Oo na. May kalungkutan kapag nakakakita ako ng magjowa lalo na’t parehong lalaki pero ang point ko naman, why settle for less when you can have the best diba? Kaya nga heto ako ngayon, single, naghihintay ng tama/matino lalaki, straight man o bi o gay guy, na magiging kuntento sa kung ano ang kaya kong ibigay sa isang relasyon. Sana kapag nagkakilala na kami, pangmatagalan na yun. Nakakasawa na kasing maiwan. Gusto ko naman ng relasyong tatagal nang mahigit sa 4 months and 22 days.

Conscience: Uh okay. Alis na ako. Nakakatae kang kausap. Ang akin lang naman eh ituloy mo ang pangarap mong maging writer. Gets mo na yun. Bye.

Gusto mo bang malaman kung ano ang nasa isip ko ngayon? Gusto kong manalo sa SOCSCI QUIZ BEE next year. I’ll be competing individually. Dala ko lang naman ang dangal ng college namin. Spell P-R-E-S-S-U-R-E. Feeling ko nasa Triwizard Tournament ako. Ang pinagkaiba nga lang, may namamatay sa Triwizard at may nag-uuwi ng eternal glory. Sa quiz bee, uuwing taas-noo ang mga nanalo at kahiya-hiya ang mga natalo. Noong part ako ng team category, we lost two years in a row. I can’t afford to lose the competition. Mas dapat akong maghanda kasi wala na akong mga teammates na magsasabing “ito ang tamang sagot.” I’m on my own now. I have to bring pride and honor to my college para naman maalala nila ako. Legacy it is.

After watching several documentaries and seeing advertisements about HIV/AIDS awareness campaign, I came to a realization na kailangan kong magpa-test. Yes, I’ve been sexually active this year. Some are safe, some are not. I have to be sure that I will still live longer. Sabi nga ng isang AIDS positive patient, mas mabuti nang mabuhay na alam mong infected ka kaysa mabuhay nang walang kasiguraduhan. One of my New Year’s resolution ay no more sexdates before and after I take the test. I have high hopes na negative ako. SANA NEGATIVE AKO. Alam kong naging careless ako sa ilan sa mga naka-sex ko pero sana walang infected sa kanila. Hindi ako confident dahil baka ma-disappoint ako kapag lumabas ang resulta ng test. I will use that benefit of the doubt para maging maingat and to completely abstain from doing it with guys I meet from the Internet. Tama nga sila. Why engage yourself to casual sex when you got those hands? Sometime between May and June, magpapatest ako.

Patindi nang patindi ang mga courses namin sa HRM which I think is good para madikdik yung estudyante. Mas mabuti na yun kaysa naman magpa-graduate ng mga estudyanteng incompetent. There’s Beverage Management na talaga namang walang lab day na hindi ako nakakatikim ng alcohol. Last sem, we had Financial Accounting. Siya pa rin ang professor namin ngayon sa Managerial Accounting. Truth be told, hindi ako natutuwa sa kanya. She may be lenient but not competent enough. Pakiramdam ko nasasayang ang bawat sentimong ibinabayad ko sa tuition fee dahil sa mga tulad niya. Despite which, masaya ako dahil karamihan naman sa mga prof namin ay competent at natututo naman kami sa kanila. Just so you know, I can now speak French; just the basics. :)

Kung may isang tragic na nangyari ngayong taon na ito, iyon yung pananalasa ng Bagyong Sendong sa mga kababayan natin sa Iligan at Cagayan de Oro City. Nakakalungkot lang kasi magpa-Pasko noon tapos ganoon yung nangyari. Mabuti na lang at likas na matulungin tayong mga Pilipino. Umaasa ako na mapupuno ng pag-asa ang mga puso nila sa pamamagitan na rin ng tulong na ipinaaabot natin at sa prayers na rin. I just hope na makikinig na ang mga LGUs sa mga eksperto. Kapag sinabing mapanganib na tirhan ang lugar na iyon at kailangan ng relocation, makinig na sana sila para di na maulit ang ganitong trahedya.

Sa kabila ng lahat ng ito, mas marami pa rin ang dahilan para magsaya tayong mga Pilipino. Kinilala lang naman ang gandang Pilipina sa mga international beauty pageants gaya ng Miss Universe (Shamcey Supsup), Miss World (Gwendolyn Ruais), Miss International (Dianne Necio), at Miss Earth (Athena Imperial). Congratulations to these lovely ladies! Winner din tayo sa larangan ng sports lalo na boxing. Thanks to the People’s Champ Manny Pacquiao, Brian “Hawaiian Punch” Villoria at Nonito “The Flash” Donaire. Patuloy ang pagkilala sa talento at lahing Pinoy sa international scene gaya nina Maria Aragon, Bruno Mars, at ang kakahirang pa lamang na 2011 CNN Hero of the Year na si Robin Lim ng Indonesia na may dugong Pinoy rin.

Sabi nila, magugunaw na raw ang mundo sa 2012. Hindi ako naniniwala doon. Masyado tayong mahal ng Diyos para gunawin niya ang mundo. Sana lang itigil na ng mga mapagsamantala ang pang-aabuso sa kalikasan at karapatang-pantao. Iisa lang ang mundo at buhay natin. Bakit ba napakahirap para sa ilan na punuin ng pag-ibig ang mga puso nila? Yung iba nga, sa kabila ng mabigat na pinagdaanan, nakukuha pa ring ngumiti, sumaya, at magmahal. Sana ganun tayong lahat; resilient at hopeful sa kabila ng mga masasamang pangyayari sa buhay natin.

So I guess this is it. Wala na akong masabi eh. MERRY CHRISTMAS (I know, late na) at HAPPY NEW YEAR! Let us all change for the better. Leave excess baggage in life. Move on. Soar high. Reach your goals. Nagmamadali na ako. Susugod na ako na mesa eh. Titira ng Tanduay Ice para masanay sa inuman. Kampay!

0 comments: